tagal ding walang kuryente ah.. hehe.. di na tuloy ako naka-update..
anyway.. gusto ko lang naman magdrama kaya nandito ako ngayon at nagtatype..
nung apat na araw na yun.. wala lang.. understandable naman kung bakit di na kami nakapag-usap and all.. hirap nga naman magtext.. la pang battery at hindi makacharge dahil wala ngang kuryente.. so sige.. okie lang yun.. kaya lang kahapon..
okie naman eh.. nakapag-usap na kami bago matulog.. ang tagal nga bago ako nakatulog kasi happy na ako.. ayun.. namiss ko siya.. kaya lang.. ewan ko.. kanina ko lang nalaman kung ano pala ginawa niya kahapon.. tapos.. ewan.. nakakasad eh.. nung saturday kasi sabi ko labas kami.. nood sine.. palabas pa kasi yung 'the devil wears prada' sa greenbelt 3.. eh dahil mahirap nga mag-communicate.. yun.. di na kami nakalabas.. so okie lang.. kaya lang.. kahapon.. may karir dapat siya.. kaya lang di sila natuloy.. nagpicture lang sila tapos movie.. ewan ko.. nalungkot naman ako dun.. wala lang.. di man lang siya nagtext na.. ewan.. sino ba naman kasi ako.. feeling ko naman.. di lang naman ako yung tao sa mundo..
pero kasi.. ewan ko talaga.. tinanong niya pa kahapon kung namiss ko siya.. malamang sabi ko oo dahil yun naman talaga.. pero siya.. feeling ko wala lang sa kanya yun.. di naman nga siguro ako kawalan.. di lang naman ako yung iisipin niya kaya kahit mawala siguro ako hindi niya mapapansin.. hay.. ang drama ko.. pero totoo naman kasi.. nalulungkot lang ako.. tama siguro si kamille.. di naman ako ganito noon.. sa taas ba naman ng pride ko.. hindi ako pumapayag na ganito.. na lagi na lang ako yung umiintindi.. na lagi na lang ako yung susunod.. hay.. maybe i'm just expecting too much.. kaya feeling ko tuloy i deserve more than what i'm getting.. arr.. hindi naman eh.. pero.. ewan..
tapos kanina.. wala na naman sila.. karir.. eh di okie.. sige.. parang two hours lang kami magkasama.. tapos parang wala lang yung two hours na yun.. ewan ko.. ang aga ko pa umuwi.. siya naman kasi nagsabi.. wala.. i was hoping pa naman na sana kahit 6:00 na ako umuwi.. para kasama ko muna siya.. arr.. nakakainis.. kasi sa kanya parang wala lang eh.. okie lang.. baka nga naman happy naman siya na sila yung kasama.. karir people.. baka mas naiintindihan siya nung mga yun.. sige.. okie lang..
eh di sad nga ako kanina sa fx pauwi.. kung ano-anong drama tuloy naisip ko.. naisip ko tuloy.. ano kaya difference pag nawala siya? marami bang magbabago? marami nga.. kaya lang iniisip ko.. hindi ba ako mabubuhay pag nawala siya? wala naman siya noon eh.. pero nabuhay naman ako.. yeah.. i know.. ang bad ko for thinking of these stuff.. kaya lang kasi.. hindi ko talaga alam.. hindi ako happy eh..
arr.. kasi naman eh.. wala naman akong makausap kasi maaga pa at nasa school pa yata yung mga tao.. dito tuloy ako nagdrama.. hay.. sana wag niya muna mabasa 'to.. ayoko na 'to pag-usapan.. hay..
bye na ba?..