<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/18217113?origin\x3dhttp://hunnyangel.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Tuesday, September 26, 2006;
nung sunday pa dapat 'tong post na 'to kaya lang di pala na-publish.. hehe..


ang sama niya.. haha.. bakit kaya ako nagrereact? ewan.. nung nag-share naman ako sa friends ko, hindi naman daw bad yung sinabi niya.. siguro nga.. maganda naman nga siguro yung intentions niya that's why he said that.. pero.. ewan.. haha.. nakakainis.. ang bad.. ano yun.. okie.. sige.. kung ako nga yun.. sige.. di na pala niya ako kilala.. haha.. ewan ko.. ganun na lang yun.. sige.. okie.. magkalimutan na nga tayo.. di na rin kita kilala.. hai.. akala ko pa naman kahit anong gawin ko, hindi ko made-deny na special ka pa rin sa'kin.. pero nung nabasa ko yun.. sus.. nagsisi ako.. bahala ka na..

***

okie.. wag niyo na i-analyze yung previous statements ko.. chuva lang yan.. =D

nung friday.. wait.. thursday muna pala..

birthday bash ni petut!! whoo!! at first time naman mag-birthday bash sa newton kaya excited lahat. haha.. memorable day for everybody. medyo kadiri nga lang. kasi, susubuan kami isa-isa ni petut ng popcorn tapos isang spoon ng melted ice cream. eh yack, squad four kaya ako. eh si neil, sinubo yung buong spoon! nawindang naman kami dun. tapos pti yung iba. ewan. ilang bibig na ang dinaanan nun. haha.. pero ayos lang. enjoy naman eh. =)

tapos graduation picture-taking. ang landi ng newton.. hehe.. kahit yung iba na akala mo, quiet lang, aba, nag-ayos. hehe.. ang cute nga namin eh. buti na lang nun hapon na kami. dapat after cat eh. imagine that naman, we're so haggard na and all.. buti na lang di nasunod ang sked and our pictures were taken nung hapon na. we are so cute! =)

ayun. after nung eco class namin, i was hungry na since di kami nakakain ng merienda dahil inubos namin ang oras namin sa cr to prepare for grad pic-taking. niyaya ko siya kumain sa mcdo at sympre, dahil makulit ako, pumayag siya. so happy.. =)

nung friday..wala siya. may karir eh. okie lang yun. may lakad naman ang girl band eh: ako, yani, arvi, karen, petut. ang ganda nung movie: john tucker must die. kakaiba, sobrang pang-girls talaga yung movie na yun. buti wala kaming kasamang guys. hehe..

kanina naman..punta kaming megamall. bili ng stuff.. hehe.. bumili na ako nung hair shine na kagaya nung kay chrissy. so nice.. ang ganda talaga nun. haha.. ;p
happy pala ako for one thing: ayaw sumama ng bro ko sa ymca. haha.. buti na lang.. ;p
ayan na muna for now.. tinatamad ako mag-update eh.. =D

***
ito naman.. for today.. hai..

hai nako.. bakit ba ako nalulungkot? matagal ko nang sinara yung chapter na yun ng buhay ko.. eh bakit ganun.. arr.. ano ba 'tong mga sinasabi ko.. bad eh.. bakit ba hanggang ngayon.. arr.. hindi ko maintindihan.. bad.. bad.. bad.. waahh.. naiiyak naman ako.. ayoko mawala yung isa.. yung isa naman.. ewan ko.. okie naman ako ngayon eh.. pero pag naaalala ko.. arr.. memories.. nakakainis.. parang.. ewan.. noon kasi, feeling ko wala talaga.. na parang isang malaking joke lang yung sa aming dalawa.. eh tapos.. wala.. akalain mong naaalala niya pa yung mga yun.. haha.. cute.. pero.. hai.. ewan ko..

bakit minsan kailangan mamili.. kahit mahirap.. kahit masakit.. pero yung pipiliin mo.. siguraduhin mo.. kasi yung iniwan mo na.. di mo na pwedeng balikan.. hai..


moving on at
{{ 6:24 AM -


Monday, September 18, 2006;
ewan ko. ito na naman ako.. drama na naman.. tapos na yung isa.. yung isa naman ngayon..


akala ko pa naman tapos na ang drama days.. akala ko okie na eh.. well.. mali na naman ako.. at as usual.. fault ko na naman.. ako naman lagi yung bad eh.. hindi sarcastic yan eh.. seryoso.. kasi.. ewan ko.. hindi ko talaga alam eh.. ='(


hindi ko naman alam kung ano sasabihin ko sa'yo kasi hindi ko talaga alam kung ano ang gusto mo marinig.. nung may sinabi ako kagabi, sabi mo naman narinig mo na yun.. pero after some time hindi naman pala ganun.. eh ano pa pala gusto mo marinig? feeling ko tuloy wala ka ng tiwala sa'kin.. ewan.. may dahilan ka rin naman siguro.. kaya lang sana hindi ganito.. prang lokohan eh.. ayoko na.. hindi ko na talaga alam kung ano sasabihin.. ewan ko.. sabi mo pa kanina 'bye..' ang sakit kaya nun.. sinabi ko na ba yun ever sa'yo? ayoko.. hindi ko gagawin yun.. kasi alam ko yung feeling eh.. pero ewan.. baka ako lang naman ang afected sa ganun..

haha.. wag niyo na lang pansinin yan.. sadyang sabog lang ako ngayon.. wala nga yatang sense yung mga sinabi ko.. parang kung ano na lang yung ma-type.. hehe.. good luck to me.. i know the next few days are not going to be easy.. pero kung ganito lang.. ayoko na..



bye na talaga..


moving on at
{{ 5:58 AM -


Friday, September 15, 2006;
wee! super taas ng energy ko today! whoo! hehe.. actually nung wednesday pa. ganito kasi yun..

nasa ospital si cean kaya binisita siya ng newton nung wednesday. may dala pa kaming fruits na nabili lang namin on the way sa ospital. so ayun na. 20+ kami na pumunta at sa ward naka-confine si cean so malamang hindi kami makakapasok lahat at the same time. third batch yata kami na pumasok[ako, sally, miguel, karen, petut]. so after namin, two batches pa. habang naghihintay, nagyaya si sally bumili ng mais. so yun, go naman ako. akala ko naman dun lang sa tapat ng ospital. haru, lumakad pa kami dun sa may street na papunta na dun sa main road. pero okie lang. exercise.. hehe.. binili ko rin pala siya ng mais. ang arte nga nun eh, nung una ayaw niya pa.. hehe.. tapos si sally una pumili dun sa tatlong mais. eh di dalawa na lang. tapos siya na pinapili ko. wala daw lasa yung sa kanya. tapos nakikagat siya sa akin. buti pa daw yun may lasa. eh pareho naman yung may butter at salt. so ayun. isang bite na lang tapos siya na umubos. hehe.. tapos nung pauwi[after ten years, nakapasok na ng ospital lahat], dumaan muna kami sa mcdo para kumain. ayun, ang saya. feeling ko 'back to normal' na. sana nga. sana ganito na lang lagi.

so ayun. kahapon, ang saya ko na rin. halos di kami nagkita the whole day. nung pauwi lang yata. pero ang galing, wala akong nafeel na drama. haha.. sa school lang naman kasi yung contest nila. medyo naasar lang ako nung pauwi na kami kasi ang bilis niya lumakad. sabi ko nga wag na lang niya ako hatid kung nagmamadali siya. so yun. bumagal naman siya. kaya lang pag dating namin sa tapat ng paco park, tinanong niya kung okie na ako dun. eh kasama ko naman brother ko kaya sabi ko okie na. yun. umalis na siya agad. pag uwi niya naman, after ilang texts, nakatulog na siya. sakit daw ulo niya eh. i understand. pagod na nga siguro. and nagtext naman siya nung nagising siya. okie na yun.

ang saya ko pag gising ko. factor na siguro na text niya yung una kong nabasa. hehe.. pero nung nasa school na, di masyado. kasi naman.. ewan.. nagtataka lang kasi ako kung bakit yung ibang parlia people naman pakalat-kalat lang. pero siya wala. oh well.. di pa ako nasanay. ganun naman yun eh. gusto niya pag karir lang, karir lang. tapos nung lunch naman, deadma lang. nasa canteen naman din siya pero parang dinaanan niya lang ako. di man lang yata tumingin. ewan, medyo kainis. pero okie na rin. nagkausap naman kami bago kami umalis para sa party ni amity eh. dami pang bilin.. hehe..

ito na.. birthday party ni amity! whoo!

kasama ako sa first batch ng pumunta kila amity. yung iba kasi may kung ano-ano pang karir eh. yun. nag-lrt kami tapos jeep tapos tricycle. medyo matagal pero enjoy naman. hehe.. ilang minutes after namin dumating, dumating na yung second batch. so ayun. kain na kami. ito yung mga kinain namin: [dami kasi eh] spaghetti, chicken, bbq, pizza, hotdog, cheese sticks, leche flan, cake, grapes, ang dami.. hehe.. tapos may balloons kami. enjoy nga eh. konti lang colors pero may red naman kaya happy na ako. yung iba blue, white, pink, green. ayun. ang ganda nung effect nung nagpalipad kami ng balloons. tapos parang hinahagis lang namin sa air. gets niyo ba? yung parang bounce-bounce lang.. basta.. hehe.. hindi namin hinahayaan na bumaba sa floor. ayun. ang ganda ng effect! tapos ang kulit. pag naglalabas yung mom ni amity ng camera, lahat talaga todo pose. hehe.. di halatang camera shy kami. ang saya talaga. tapos ayun.. kwentuhan, sharings, kain.. tapos pag may camera na naman, pose ulit! parang unahan pa kami lumapit sa camera. parang kami pa humahabol sa mom ni amity.. haha.. ang saya! =D

dapat 7:00 alis na kami. na-extend kasi nung 7:00 na, dun lang kami nagstart magsulatan ng balloons. ang cute ng messages. hehe.. miss ko na talaga bearz. 7:40 na yata kami nakaalis. ayun, lakad hanggang sakayan ng tricycle. nagulat nga ako kay edu eh! katakot yung parang mask effect niya na may dugo! waahh.. hehe.. kapagod yun. tapos tricycle hanggang sm bicutan. bonding pala kami ni danikko sa tricycle. medyo nahilo lang ako kasi dun kami sa likod. pero okie na rin. kwentuhan kami. namiss ko rin yun. hehe.. tapos jeep kami from sm. hanggang dun sa metro point. yun. nag-mrt na ako from there. yung iba naman, lrt. so ayun. nakauwi naman ako ng matiwasay[lalim nun ah.. haha..]

ayun. ang saya talaga. kaya lang.. nakatulog na yata siya. di na nagreply nung nagtext ako eh. pagod na rin siguro. hai.. tomorrow na siguro kami makakapag-usap.

sige.. hanggang dito na muna.. may entrance exam pa pala ako bukas! hehe.. ateneo.. saturday afternoon.. high school, room 15.. sino pa ang may ganung sked? hehe.. sige.. tulog na ako.. ^_^

ito pala yung bearz kanina: amity, tim, arvi, edu, abychu, raine, rickey, nia, kat m, xtina, danikko, ml, azel, mark, jonas, leslie, karen, ako.. kami lang ba? sana wala akong nakalimutan.. sorry naman kung meron.. ;p


moving on at
{{ 7:05 AM -


Sunday, September 10, 2006;
ayoko na ng ganito.. hai..

fault ko naman yun.. pero.. ewan.. arrgghhness talaga.. ang panget.. ayoko na tuloy makipag-usap..

wala.. never mind.. nagdadrama lang ako..


moving on at
{{ 6:11 AM -


;
wee!! na-excite ako sa bago kong skin kaya update muna ang drama ko. =)

latest drama ng buhay ko:
* umabot ang phone bill namin sa halagang 2000+ pesos. ang dahilan? yung pag tawag ko sa kanya sa cellphone ni kam nung nasa baguio sila. pero 1100 pesos lang naman yung call ko. plus evat, of course. so mga.. magkano nga yun? basta.
* grounded ako for one week. ang corny noh? one week lang. haha..
* wala akong baon[as in money] for three weeks. para yata mabayaran yung call ko. pero duh, ang dali naman nun bayaran. one week kaya na. three weeks?! hala.. paano na ako?
* sabay na kami uuwi ng brother ko everyday. so.. hai.. wala ng mcdo pag weekday.. ='(

ewan ko, pero nakakainis kasi eh. siguro kasi ayaw kong pinag-uusapan ang pera. parang pag sa classroom, pag paulit-ulit kang sinisingil ng treasurer. [hindi 'to para patamaan si roemel ah, wala akong utang sa class funds ;p] ewan, basta naiinis ako. ang panget kasi eh..

naiyak pa ako kasi parang climax nung panget na week ko last thursday. di pa kami okie tapos dagdag pa yung drama dito sa house.. hai..

ayun. so nung thursday sinabi yang bagong rules na yan. so by thursday, di na ako grounded. wee! birthday celebration ni amity, danikko at xtina next friday sa house nila amity. so parang reunion na rin yun ng bearz. whoo! na-eexcite ako. =D

***

kanina pala bigla kong naalala yung tle moments namin ng groupmates ko. syempre, ang simula nun, bibili muna kami ni weakling [aka, lampy, hehe, janine grande pala ;p] ng manila paper at basahan sa retail. tapos babalik sa room at magreready na. so far, ito na yung mga niluto namin:

pastillas de leche
yan ang simula ng karir namin. pero la yata akong ginawa masyado nun kundi mag-cut ng cellophane. ang hirap nun ah. ang bitter ng colors eh.. blue at green.. hehe.. ang sarap ng pastillas. at 'to yata yung type ng product na madaling ibenta. gusto kasi ng lahat. yung kinita namin dito yung puhunan namin. P2.50 yata ang benta namin para sa isang pastillas. mahal ba yun?

oatmeal cookies [na may nips]
dapat chocolate chips eh.. kaya lang mahal daw kaya nips na lang. ang sarap nito. colorful pa dahil sa nips. nakalimutan ko na kung magkano namin binenta eh.. basta masarap. =)

donuts [na may chocolate frosting na may small marshmallows]
ito yata yung pinaka-successful naming niluto. ang sarap tapos mabenta. medyo mahal nga lang, 3 donuts for P20. ang galing ko maglagay ng frosting. yun. yun ang contribution ko dito. hehe..

crinkles
ayan, ito medyo nasunog sila. pero ako, mas gusto ko yung sunog. para medyo mapait. natagalan kami dito kasi kailangan pa i-freeze yung dough for 1 hour or more. kaya yun. kumain muna kami ng lunch tapos bumalik na lang kami sa tle room. dahil hindi rin natapos agad, iniwan na lang namin kay mam quintal para i-bake. nung binalikan namin, medyo nasunog yung iba. pero okie lang. nag-enjoy naman yung groupmates ko sa paglalagay ng confectioner's sugar eh. hehe.. 3 crinkles for P10 naman ang benta namin nito..

devil's food cake
ang bilis namin natapos dito. na-ready na kasi lahat ng ingredients sa bahay kasi kinarir ni sally. bumili pa siya ng champola para mukhang devil talaga. haha.. ang cute.. hindi kasi namin binake na buong cake. sa muffin pans namin binake kaya ang cute. tapos syempre ang karir ko.. maglagay ng frosting. ang galing ko talaga.. hehe..

empanada
ang daming laman nito: may giniling na may potato at carrots, tapos eggs, tapos cheese. masarap para sa amin pero ewan ko para sa iba.. hehe.. o kaya baka hindi sumarap kasi bitter yung mga gumagawa.. nakakainis kasi eh.. never mind.. tapos na yun. 0=) pero nahirapan kami magbenta kasi ang dami naming nagawa. kaya ayun. hapon na nagbebenta pa rin kami. buti na lang napilit ko siya na tulungan kami. tapos tumulong din si joselle. ayun. thank you sa first year people na bumili. hehe.. sige na nga.. dahil kay miguel daw yun..
wala lang.. naisip ko lang i-share. dahil kasi sa mga moments na yan kaya kami nakakapagbond ng groupmates ko. minsan di na kami nakakakain ng lunch.. tapos one time na-miss namin yung isang test sa filipino dahil late kami.. at syempre.. dahil sa kwentuhan habang hinihintay yung binake namin.. hehe.. ang saya talaga.. laki pa ng kita namin.. =)

***

the drama continues.. hehe..

di pa rin okie eh. feeling ko iba na. parang ibang tao na yung kausap ko. iba na yung kasama ko. buti na lang nung friday okie naman nung lumabas kami. di nga lang kami nakapag-movie. kumain lang kami sa greenwich tapos ice monster tapos uwi na. ayun. happy naman eh.. di lang siguro ako sanay na ganito..

sabi niya kailangan lang daw niya ng time.. sige.. ang bad ko kasi eh.. pero di ko naman fault yun, di ba? hindi, kasalanan ko nga yun.. hai.. ewan.. sana maging okie na.. back to normal na sana.. hai..


moving on at
{{ 1:17 AM -


Tuesday, September 05, 2006;
ang bad ko..

bakit ba ganito ang mundo?

feeling ko okie na..

hindi pala..

bakit pag happy ka na..

ewan.. sinusubukan lang ba ako ni god?

kasi naman eh..

hindi ko talaga alam kung ano gagawin..

basta alam ko..

MIGUEL..

love kita.. ='(


moving on at
{{ 7:01 AM -






hello

salamat sa pag daan mo..
dahil nandito ka na rin naman, tag ka na..
salamat.. :)



chit-chat


me

esther jhudiel malonzo de la vega
ej
17
040790
040806
masci
umalian*daltonyte*bear*newton
upd
psych one
winnie the pooh
stars
mcdonald's
cookies and cream
butterflies
fireworks
sleeping
UNLITXT80
world peace
eternal happiness
YELLOW ;p


friends

miguel
leslie
abychu
arvin
ralph
pausiu
nica
ellaine
yani
jansot
maton
nephele
anna
petut
cean
kalen
clauds
jay-v
joselle
minnelle

links

neopets
blogthings
dollwar
my multiply

memories

x December 2005
x January 2006
x February 2006
x March 2006
x April 2006
x May 2006
x June 2006
x July 2006
x August 2006
x September 2006
x October 2006
x January 2007
x June 2007
x July 2007
x September 2007
x October 2007

credits

Designer : purplekisses-
Blog views:Hits counters
Brushes: Random sites