so here is what happened today: wala.. or at least, that's what i felt.
usually, friday is career day for him. ang daming kailangan gawin, halos di na siya umaattend ng classes. pero most of the time, okie lang kasi may lakad naman kami after classes. pero lately.. ewan. second friday na 'to na wala kaming something. ang sad. absent na nga siya kahapon tapos wala rin siya the whole day kanina. tapos di man lang siya nagsabi na aalis siya ng school or something. di ko pa malalaman kung hindi ko tinanong. sana nagkita pa kami bago siya umalis kung hindi na rin naman kami magkikita bago umuwi. sa bagay.. sino naman kasi ako para magdemand di ba?
sometimes nga i hate myself for feeling this way eh. alam niyo yun? ito na naman ako. ang panget kasi. ang nakakaasar pa [or nakakalungkot or whatever], siyempre i can't get mad or tampo or whatever kasi he's tired already. tapos dadagdag pa ako. ang inconsiderate naman kung ganun. siyempre kailangan ako yung umiintindi ng ganun. alam ko naman eh. pero ewan, parang hindi ko talaga maabsorb. naiintindihan niyo ba? yung para bang alam mo kung ano yung dapat mong gawin pero kahit anong pilit mo eh hindi mo magawa. ewan, ang gulo. nakakainis lang kasi yung feeling na parang lagi ko na lang siyang iniintindi. tapos siya parang wala lang. i know he's busy, pero ilang minutes ba ang kailangan para makapagsend ng isang text message para kamustahin ako o kaya sabihin kung ano na ginagawa niya? arr, nakakainis. i'm being demanding.
so anyway, i decided na dapat mag-focus muna sa friendships. [although hindi ko rin nagawa]. nagpapicture kami kanina: me. arvi, yani, tim, jansot, j9, roemel. ang cute! hehe.. pero after nun umuwi na yung mga janine tapos humiwalay naman si tim at arvi. so nanood kaming tatlo ng just my luck. ang ganda! nakakatuwa yung story. hindi siya yung usual girly-girl movie. basta. nood din kayo. ;p
so may nangyari naman pala noh? hehe.. pero as of now, lungkot-lungkutan pa rin ako. di pa rin siya nagpaparamdam. nung huli siyang nagtext di pa daw tapos yung program [kung ano mang program yun]. and that was when i got home at around 7 pm. eh anong oras na? haayy.. naaalala pa kaya ako nun? ='(
moving on at
{{ 5:15 AM -
drama mode. [para sa kanya na bahagi ng aking nakaraan]
haayy.. bakit ba tuwing naaalala kita, nalulungkot ako? hindi ko maiwasan na masayangan sa mga nangyari. ikaw kasi eh, pinabayaan mo lang akong mawala. haayy.. buhay nga naman. ang gulo naman kasi. basta, ang alam ko, nagising na lang ako isang araw na tanggap na yung mga nangyari. oo, masakit. naghintay ako sa wala. mali, umasa pala yung term. akala ko okie tayo.. akala ko kailangan mo lang ng oras para maabsorb yung mga nangyayari.. hindi pala.. iba pala yung pinag-iisipan mo.. pero ayos na yun. masaya ako at naging bahagi ka ng aking buhay. friends pa rin. happy na ako. sana ikaw din. =)
okie, ang corny na. ito na yung happy mode. [dahil yellow na ang kulay ng mundo ko ;p]
pumunta kami ng ateneo kahapon. adventure pero at least hindi naman ako muntik mamatay. nag-taxi na kami. ang mahal nga lang. [ang bad ko kasi eh] ayun, wala namang naging problem. dumaan pa kami dun sa chapel effect nila. ang cute nung stained glass, purple. hehe.. tapos nag-tricycle kami papunta sa station ng lrt 2. ang ganda ng colors! hehe.. tapos bumaba kami dun sa station na connected sa mrt. eh gateway mall na pala yun so naisip namin na dun na lang manood ng movie. eh late na yung sched dun so punta na lang kami ng megamall. grabe, lakad na naman kami from ortigas station to megamall. ang tagal bago kami nakabili ng tickets, ang chorva kasi nung girlaloo dun sa ticket booth eh. so ang tagal na siguro nung part nung movie na na-miss namin. pero okie lang. no choice. hehe.. after nung movie, dumaan kami sa national para bumili ng mga kailangan ko. ater nun, kumain kami ng fries sa nyfd sa foodcourt. goshness, naloka ako nung may nakita akong schoolmates ko dati. windang to the highest level talaga. nakita pa nila ako. at na-sense ko na pinag-uusapan na nila ako. kaloka talaga. after nun, bumili kami ng pasalubong para sa mga kapatid ko. ang bait ko talaga. hehe.. tapos medyo inikot pa namin yung megamall dahil hindi ko maisip kung nasaan yung supermarket. haha.. ang eng-eng. so yun. after 2 years, nakasakay na kami ng fx pauwi. tapos tricycle hanggang dito sa bahay. kaya lang di na siya pumasok, andito si dad eh. haha.. baka di na siya makauwi ng buhay. ;p
so yun. happy mode talaga! =D
moving on at
{{ 5:47 AM -
whoo.. ang saya.. hehe.. =)
bakit nga ba masaya ang araw na ito? hehe.. siguro kasi walang pasok. hindi kailangan gumising ng maaga. tapos birthday pa ni mommy. ang saya.
pumunta kami ng megamall kanina. ang traffic, ang dami pa ring tao na papunta ng mall. eh lunch time pa yun, so yun, super traffic. ten years bago nakapagpark si daddy. sa sushi-ya kami kumain. favorite ever talaga. gyudon ang order ko symepre. tapos sushi. sarap talaga pag jap! hehe.. tapos bumili kami ng cake. ewan, ang weird, roll yung binili ni mommy. eh siya naman may birthday so okie na yun. gusto ko nga ng ice cream eh. haha, umuulan na nga eh. ;p
ayun, the rest of the day, naglaro lang ako ng bookworm sa computer. ang galing ko na talaga, wala ng tatalo sa record ko. hehe..
bakit ba ang saya? nafifeel ko talaga. eh wala namang definite reason to be happy. tampo pa nga ako kanina pero okie lang. ganun talaga, somthing ovr.. lagi. haha, understand.. don't demand.. ;p
o ayan. wala na akong masabi. may pasok na bukas eh. pero sana walang classes. whoo. gusto ko manood ng lovewrecked. wish ko lang talaga. =D
moving on at
{{ 3:43 AM -
after 10 years, may post na rin ako. ang daming nangyari lately at dahil drama mode ako, mapopost na lang ako.
nung thursday, wala kaming last two periods. so ang newton people, nag-decorate nung stage para dun sa nutrition month chorva the next day. ang saya, ang taas ng energy ng mga tao. ang dami namin dun sa tle room so ang saya talaga kahit nakakapagod. di talaga nawawala yung tarayan effect ng mga tao. ang sungit, tapos tatawa. haha, cute in fairness. minsan nga lang di ko na malaman kung serious ba talaga o hindi ang mga tao. nakakaloka din pala yung colors nung letters sa stage. wala lang, bawal maging "gulay girl" sabi nga ni joselle, bawal mag-bitter.
tapos nung friday, yun, may program nga. may mass pala before yun. todo support talaga ang newton, lalo na sa award-winning performance ni elijah. launching ng career niya. wala kasi si kier eh, concert king. hehe..
nakakainis pala, nung lunch namin, dumating na si mam jacob. eh akala namin wala na siya so di na kami nagbasa ng student time. eh dumating nga siya, so nagtest kami. buti 5 minutes lang kami nag-physics. si sir kc, super late na nagdismiss ng faraday.
may sabayan nun yung franklin at moseley. inggit naman kami nila sally. na-miss na naman namin si mam d.
so after all the careers and everything that day, nanood ng superman ang bear people. dahil sa pamimilit ni rickey, ang dami namin: edu, ekel, tim, arvi, ako, miguel, danikko, abychu, ray, kat m, nia, sally, rickey, louis, karen, amity, raine. [sana wala akong nakalimutan ;p] ang saya. ang gulo namin. hehe.. inikot pa namin yung buong sinehan, parang field trip lang. ang kulit. pero ang saya talaga. =D
tapos kahapon, saturday, happy day ng lahat. hehe.. nanood kami ng el fili sa san sebastian. 9:00 ang usapan pero syempre dahil pilipino ang bearz, late na naman. 10:30 na kami umalis sa jollibee. at habang nasa jeep kami, umulan. ang saya naman. medyo nabasa lang naman kami. so after nun, nung malapit na kami sa sm manila, nagyaya na si rickey na mag-taxi. go naman agad ako, si nia at si joselle. hinila ko na rin si miguel. so ayun. nabuo ang taxi people. yung mga naiwan naman, "taxi over friendship" daw kami. so nakarating naman kami dun ng buhay. at after 100 years, pinapasok na kami. ang gulo. as in. nawindang ang brain cells ko. pero nakaupo naman ng maayos ang bear people. ang tagal magstart ng play. picture-taking ever naman ang jugjugers. haha.. so anyway, ang daming putukan effect nung play. nagigising tuloy yung mga tao. hehe..
matapos ang play, go ang bearz sa sm manila. kain effect kami sa food court. nakakaloka, nawindang siguro yung mga tao sa amin. ang dami kasi namin kaya inayos-ayos pa namin yung mga tables and all. so yun. enjoy naman.
humiwalay kaming lima[arvi, ako, ray, miguel, karen] after eating. [hinatid muna pala ni arvi si tim sa banda effect nila.] nagpapa-picture kami. ang landi nila, seductive effect pa ang gusto sa picture. haha..
yun, happy naman kaya lang di ko na-feel ang happy day. ang drama ko talaga. badness. tapos yung ngayon pa.. haayy.. ewan..
moving on at
{{ 10:17 PM -