<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/18217113?origin\x3dhttp://hunnyangel.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Friday, June 16, 2006;

hai.. haggardness.. napagod ang cuteness ko kahapon.. share ko ang adventures namin..

pumunta kami ni miguel at arvi sa up diliman kahapon after classes. imagine niyo naman kung gaano kalayo yun from masci. dala din namin yung form ni karen. di na kasi siya nakasama kasi.. you know.. hehe.. so yun. sumakay kami ng lrt. ang init dun sa unang train na nasakyan namin kaya bumaba kami agad dun sa next station para maghintay na lang ng ibang train. di naman matagal yung next na train so nakasakay na kami. tapos ang daldal ni arvi, ang daming kwento, di tuloy namin napansin na andun na kami sa edsa station. tapos go na kami dun sa mrt. ang daming tao! nakakamatay. si miguel na lang yung pumila. bumili pa kami ng water ni arvi kasi nauuhaw na daw ang bakla. so ayun. eh tapos, sabi nung nag-chuchuva dun, puno na daw yung platform at malayo pa daw yung next train so hindi daw muna magpapapasok. nakakafaint. 3:00 na yta nun. chikahan ever muna kami. nag-analyze pala kami ni arvi ng outfit nung mga tao. ang cute kasi nung outfit nung isang girl dun na nakapink na skirt at blue na top. cute pa nung sandals niya, yung parang jelly. yun. hehe..

after ilang years, nakasakay na kami ng mrt. grabe, ang daming tao! as in! tapos bawat station yata lalong dumadami so parang ipit na talaga kami. nakakaloka. tapos lumuwag lang nung dun na sa 2nd to the last station. ay, ito pala yung isa pang nakakamatay na incident.. umulan! grabe, eh ako lang may dalang payong. kawawa naman kami. may waiting shed effect dun, dun na lang kami nag-stay ni arvi habang naghintay ng taxi si miguel. after ilang years, may taxi na. habang papuntang up, inisip na namin yung mga possible pang kamalasan na masalo namin. baka sarado na yung office, di tanggapin yung form namin, baka pag turn na namin biglang close na, etc. eh yung driver, di alam kung saan niya kami dapat ibaba. mali yung binabaan namin. sumakay pa ulit kami ng jeep papuntang benton hall. tapos nung andun na kami, nakita namin si leah. nagtanong kami kung pano magpachuva dun. ang kulit namin kasi namin, nag-attempt pa kami eh di nga daw pwede na photocopy lang nung grades yung naka-attach. so yun. ni-receive na lang yung forms namin para daw if ever may pila the next time na pumunta kami, di na kami pipila.

hai nako, alam niyo ba kung gaano ka-frustrated na kami nun? sinalo na yata namin lahat ng kamalasan. binagsakan na daw kami ng langit sabi ni arvi. haru, gusto ko na magfaint nun. tinext ko kagad si mommy para sabihin yung kamalasan namin. umupo muna kami dun sa waiting shed dun at nag-isip ng gagawin. after some time, naisip na lang namin na bumalik ng school para magpachuva ng form. so yun. pinilit ko sila na magtaxi na lang kami dahil ayoko na mahirapan sa pagsakay ng mrt at lrt. so yun. nung nakasakay na kami, parang natulala na lang kami. nagdrama na si arvi. nakakafrustrate talaga. nakakaiyak. nahirapan pa kami sa pag punta dun tapos ganun lang nangyari. hai nako.

buti na lang hindi na masyadong traffic. mga 5 yata kami nakabalik ng masci. feel ko na ang pagod. di pa kami kumakain. na-energize lang ako nung nakita ko yung ibang bear people na nandun pa. so yun. happy mode ulit kahit pagod na. hehe.. tinignan ni arvi at miguel kung sino pang teachers yung nandun. punta kami ng office ni mam arellano. andun din si mam apolinario. tapos yun. kwento effect si miguel ng adventure namin. hai nako, di daw kasi kami nakikinig. ibibigay daw yun sa adviser. eh absent si mam francisco. tapos ewan ko na kung ano yung nangyari. basta iniwan na lang namin yung form namin kay mam apolinario at nagpasalamat. kunin daw namin ng monday morning. so yun. may maganda na ring nangyari kahit papaano. hehe.. sana mag-offer ulit si tim na ipabigay na lang yung forms namin sa ate niya. hehe..

hai nako, arvi. ewan ko. walang drama. hehe.. next time na lang.. ;p



moving on at
{{ 8:49 PM -






hello

salamat sa pag daan mo..
dahil nandito ka na rin naman, tag ka na..
salamat.. :)



chit-chat


me

esther jhudiel malonzo de la vega
ej
17
040790
040806
masci
umalian*daltonyte*bear*newton
upd
psych one
winnie the pooh
stars
mcdonald's
cookies and cream
butterflies
fireworks
sleeping
UNLITXT80
world peace
eternal happiness
YELLOW ;p


friends

miguel
leslie
abychu
arvin
ralph
pausiu
nica
ellaine
yani
jansot
maton
nephele
anna
petut
cean
kalen
clauds
jay-v
joselle
minnelle

links

neopets
blogthings
dollwar
my multiply

memories

x December 2005
x January 2006
x February 2006
x March 2006
x April 2006
x May 2006
x June 2006
x July 2006
x August 2006
x September 2006
x October 2006
x January 2007
x June 2007
x July 2007
x September 2007
x October 2007

credits

Designer : purplekisses-
Blog views:Hits counters
Brushes: Random sites